Thursday, October 1, 2009

Global Warming

Ayon sa bagong aklat ni Al Gore (ang totoong Presidente sa puso ng mga Amerikano – panalo siya ng 500,000 votes laban kay Bush), masasabi ko na sa loob ng sampung taon, mas kahindik-hindik na trahedya ang mangyayari sa mundo dahil sa global warming.

ooOoo

Dahil sa global warming, mas mainit na ngayon ang mundo, at mabilis na tumataas ang temperature taon-taon. Mas masakit ang init ng araw ngayon, di ba?

ooOoo

Global warming ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga weather disturbances na siyang dahilan ng mas malalakas na bagyo (Milenyo at Reming sa RP, Katrina sa US), mas matinding El Niño o tagtuyot, at mga tsunami o mala-higanteng tidal waves.

ooOoo

Manipis na masyado o butas na ang maraming bahagi ng ating ozone layer na bahagi ng atmosphere. Kung kaya, mas maraming ultra-violet rays mula sa araw ang nakakapasok sa atmosphere ng earth.

ooOoo

Resulta ng mas mainit na temperature: mas maraming thunderstorm na mabubuo dahil mas matindi ang banggaan ng malamig at mainit na gases sa atmosphere, o kaya matitinding drought o baha dahil mas maraming surface water ang hihigupin pataas na siya namang ibubuhos ng mas malakas sa ibang bahagi ng mundo.

ooOoo

Dahil sa matinding init, natutunaw na ang million-year-old na ice caps ng earth, kaya tataas ang level ng dagat. Mga tuktok ng bundok na lang ang maiiwan, at magmistula tayong nasa sine na “waterworld”.

ooOoo

Bakit nagkaganito? Dahil sa sobrang pagkalbo ng mga gubat at bundok, sobrang pagsunog ng mga fossil fuel (krudo, gasoline) sa mga sasakyan at mga factory, sobrang gamit ng mga chlroflourocarbon o CFCs (mga pang-spray para pampaganda, insecticides, fresheners, aircon, etc.), at pagsunog ng mga plastic at iba pang mga non-biodegradable matter.

ooOoo

Anong gagawin natin? Huwag na bumili ng sasakyan, o bawasan ang paggamit ng sasakyan na de-gasolina o krudo. Gumamit ng ethanol fuel kung pwede. Magtanim ng mas maraming punong-kahoy. I-regulate ang pag-uuling.

ooOoo

Mag-recycle o huwag magsunog ng kahit anong basura. Mag-aral tungkol sa global warming at i-kwento sa iba. Sulatan natin ang mga Senador na ipasa na ang totoong Biofuel Act na nagmamando na ethyl alcohol o ethanol na ang gagamitin ng mga sasakyan.

ooOoo

Iwasan na ang paggamit ng mga CFCs. Ipatupad ang Clean Air Act. Gumamit ng mga organikong bagay at gamit. I-endorso natin ang Kyoto Protocol - na ayaw ng Amerika at ilan pang bansa - na nagmamando na wala nang gagamit sa buong mundo ng fossil fuel by 2030.

No comments:

Post a Comment